May 26, 2009

hehe ,, pabasa ..

"Wala namang masama sa pangingibang-bayan. Walang masama kung gusto mong lisanin ang barkong sa tingin mo'y papalubog na. Basta't wag mo lang hahagisan ng anumang pabigat ang barko habang pinagsusumikapan itong isalba ng ibang tao."

-bob ong

tama naman .. walang masama kung gusto mo na magtrabaho sa ibang bansa eh.. un nga lang .. kung plano mo man na mangibang bansa e, wag ka na magiiwan ng masasakit na salita o anu mang puna sa bansang pinangalingan mo, ndi lang ito sa mga pilipinong nangingimbang bansa..pati rin sa mga banyagang umaalis sa bansa nila ..

totoong maraming umaalis ng bansa .. wala oportunidad, mababang sweldo, trabaho, gustong maiangat ang buhay mula sa kahirapan, may iba naman na nagsasabi na kapag dito ka magttrabaho, wala kang mararating .. ndi tulad sa ibang bansa na dolyares ang aanihin mu kapalit ng dugo at pawis mo, dito daw kasi e kahit na isama mu pa kaluluwa mu sa pagttrabaho, kulang pa din ..

bilib ako sa mga guro o propesor na nagtuturo, maliban sa sila ang tumatayong pangalawang magulang natin e nasa kamay din nila ang magiging kinabukasan ng 30,40 o mhigit 50 studyanteng tinuturuan nila, nasa kamay nila kung isa sa mga studyanteng yon e magiging magaling na doctor, isa sa kanila ang magiging business man, isa man sakanila ang magiging corrupt public official, isa sa kanila ang gagamit ng pinagbabawal na gmot o isa sa kanila ang huhulihin ang gumagamit nayun, o magiging isa nanamang guro.. pwde rin .. (ayon ka bob ong na halos parehas na kami ng pinaniniwalaan)



ayon sa libro ni bob ong .. totoong mga bayani nga ang mga OFW's kasi nakakapaguwi sila ng dolyar sa bansa natin, pero ndi ba dapat e mga bagong bayani din ang mga guro?..

payo ng tito ko na isang propesor sa isang private school sa ate ko " kung gusto mo yumaman, wag kang magturo, kasi walang yumayaman sa pagtuturo, kung meron man yung mga nagsisideline yon at nagsisipag. kurakot? malay natin" ..

No comments:

Post a Comment